Aabot na sa 40 katao mula sa mga bayan ng Santa Maria at Tayug sa lalawigan ng Pangasinan ang dinala sa ospital dahil sa food poisoning makaraang kumain umano ng itlog na maalat. Dahil sa insidente, ipinagbawal muna ng lokal na pamahalaan ang pagtitinda ng naturang itlog sa mga pamilihan habang isinasagawa ang imbestigasyon.
↧