Inaresto ng mga awtoridad ang isang 73-anyos na British national dahil sa alegasyon ng pangmomolestiya sa ilang bata na napapadaan sa kaniyang bahay sa Angeles, Pampanga. Nabisto umano ang ginagawa ng suspek nang ipaayos nito ang nasira niyang computer sa isang technician, na siya namang nagsumbong sa mga awtoridad nang nakita ang mga files nito sa computer.
↧