Itinuturing malaking dagok sa sindikato ng iligal na droga ang pagkakakumpiska sa Pampanga ng mga hinihinalang shabu at sangkap sa paggawa nito na tinatayang nagkakahaga ng mahigit P4 bilyon. Ang naturang dami ng mga nasabat na droga ay halos katumbas umano ng dami ng droga na nakumpiska ng Philippine -Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buong taon ng 2013.
↧